Ang tema paea sa Litratong Pinoy sa linggong ito ay “Wala Na”(Gone, Ubos na). Matagal ko na gustong sumali sa meme na ito pero nauubusan ako ng tagalog minsan. Kaya ngayon tinipon ko lahat ng Tagalog ko sa sako at nag purseging sumali.
Nakatulog Pagkatapos Maubos ang Gatas

Nakikita sa larawan na mahimbing natutulong ang aking anak, pagkatapos niyang maubos and kanyang gatas. Napagod sa maghapong pag lalaro. Habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang mahimbing na pagtulog, ang panganay kong anak ay lumapit at pinaglalaruan ang natutulog. Nagising si bunso na mainit ang ulo. Ika nga sa kasabihan natin mga Pinoy, “Magbiro ka na sa lasing, Wag lang sa bagong gising” o di kaya sa mga bata na “Huwag gisingin ang batang natutulog” kasi siguradong ingay ang aabutin mo.